-- Advertisements --

Sisimulan na ng South Korea sa susunod na buwan ang pagpapabakuna sa mga bata edad 12 hanggang 17.

Ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) na kasabay din sa susunod na buwan ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa mga may edad 75 anyos pataas.

Paglilinaw naman nila na ang mga batang malusog at wala namang mga sakit ay hindi nila babakunahan.

Sinabi rin ni KDCA Director Jeong Eun-Kyong na mabibigyan ng Pfizer shots ang mga edad 12-17 anyos.

Nitong Agosto ay nabakunahan na ng US ang nasa 50% ng mga batang may edad 12-17.

Ilang mga bansa sa Europa at Asya ang nagrerekomenda ang bakuna sa nasabing age group.