-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Donald Trump na kaniyang gagawaran ng Presidential Medal of Freedom ang pinaslang na si Charlie Kirk.
Isinagawa ng US President ang paggawad ng pinakamataas na civilian honor award sa conservative activist noong ito ay dumalo sa Pentagon kasabay ng paggunnita ng ika-24 taon ng September 11 terror attack.
Sa kaniyang talumpati ay labis na nalungkot si Trump sa pagpatay kay Kirk.
Magugunitang binaril ang 31-anyos na si Kirk habang dumadalo sa isang event sa Utah.
Nagpapatuloy ang ginagawang manhunt operations ng mga otoridad sa suspek na nasa likod ng pamamaril.