-- Advertisements --
Nakatakdang pabalikin sa kanilang bansa ang mga South Koreans na inaresto ng immigrations sa isang planta ng sasakyan sa Georgia.
Sinabi ni South Korean Presidential Chief of Staff Kang Hoon-sik, na nagkaroon na sila ng negosasyon para sa pagpapalaya ng mga naarestong manggagawa.
Inaayos pa ang ilang dokumento ng 475 na mga naaarestong manggagawa at mayroon ng nakahandang chartered flights ang mga ito.
Sinabi namanni Tom Homan ang border czar ni US President Donald Trump na marami pang susunod na operasyon para maaresto ang mga iligal immigrants.