-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Finance (DOF) na mayruong existing loan ang Pilipinas sa gobyerno ng South Korea.

Pahayag ito ng Finance Department matapos lumabas ang umano’y balita na ipinakansela ni South Korean President Lee Jae-myung ang inutang na ng Pilipinas sa kanila dahil sa diumanoy mga insidente ng katiwalian sa gobyerno.

Walang katotohanan ang umano’y P28 billion official development assistance (ODA) load sa pagitan ng Pilipinas at South Korea.

Siniguro ng Department of Finance (DOF) sa mga bilateral partners ng tatapatan nito ang kanilang tiwala at kumpiyansa kasabay ng pananagutan sa lahat ng mga proyekto at pinapasok na kasunduan ng Pilipinas.

“As regards the supposed PHP 28 billion official development assistance (ODA) loan between South Korea and the Philippines, the Department of Finance categorically clarifies that no such loan exists.

Nevertheless, we reaffirm to our bilateral partners that the Philippine government will match their trust and confidence with full transparency and accountability.” pahayag ng DOF.