-- Advertisements --

Inaasahang maghahatid ng mga pag-ulan sa maghapon ang na-monitor na low pressure area (LPA) sa may katubigang bahagi ng Southern Luzon.

Ayon sa state weather bureau, namataan ito na malapit sa Camarines Norte.

Hindi pa ito inaasahang lalakas bilang ganap na bagyo sa loob ng susunod na 24 oras.

Gayunman, hindi inaalis ang posibilidad na magdulot na naman ito ng matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.

Maliban dito, umiiral din ang easterlies mula sa Pacific Ocean na maaaring magdulot ng serye ng mga pag-ulan hanggang sa mga darating na araw sa Eastern Seaboard ng ating bansa.