-- Advertisements --

Natanggap na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang sulat ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na humihingi ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay dating DPWH Sec. Maneul Bonoan.

Kasama rin na nais ilagay sa ILBO ay sina Candaba Mayor Rene Maglanque, at mga opisyal ng MBB Global Properties Corporation: Macy Monique Maglanque bilang pangulo, Sunshine Bernardo ang corporate secretary, at Fatima Gay Dela Cruz ang treasurer.

Nakasaad sa sulat na ang paglalabas ng ILBO ay mahalaga para magkaroon ng tuloy-tuloy na imbestigasyon at hindi na ito maantala.

Hiniling din ni Dizon ang Bureau of Immigration na agad silang abisuhan at ilang mga otoridad kapag mayroong ibang pagbiyahe ang nasabing mga indibidwal.