-- Advertisements --

Naging mainit ang pagtanggap ni US President Donald Trump kay South Korean President Lee Jae Myung na bumisita sa White House.

Tinalakay ng dalawang lider ang pagpapalakas ng relasyon ng US at South Korea.

Hinikayat din ng South Korea President si Trump na kausapin si North Korean President Kim Jong Un.

Naniniwala kasi si Lee na si Trump lamang ang makakapagresolba ng sigalot nila ng North Korea.

Matapos kasi ang pag-upo ni Lee noong Hulyo ay nagmatigas naman ang kapatid na babae ni Kim Jong Un na si Kim Yo Jong para makapag-ayos ang dalawang lider.