-- Advertisements --
Naghahanap na ng paraan ang parliamento sa South Korea para payagan ang mga mamamayan nila na nagpositibo sa COVID-19 na makaboto.
Isasagawa kasi ang presidential election sa nasabing bansa sa Marso 9.
Kasabay ng nasabing halalan ay nahaharap sa hamon ang kanilang gobyerno dahil sa paglobo ng kaso ng Omicron coronavirus variant.
Plano rin ng election watchdog na maglatg ng proposal sa National Assembly na baguhin ang Public Official Election Act na nagpapayag ng in-person voting ng COVID-19 patient mula ala-6 ng gabi ng Marso 5 at 9.
Sa kasalukuyan kasi ay ipinagbabawal ang mga nagpositibo ng COVID-19 na bumuto.