-- Advertisements --
Nagkumahog ang South Korea matapos na pagpasok sa kanilang air defense zone ang mga eroplano ng Russia at China.
Agad na inalalayan ng kanilang figther jets ang mga fighter jets ng China at Russia palabas ng kanilang air defense zone.
Nasa pitong Russian planes at dalawang Chinese planes ang nakapasok sa kanilang Korea Air Defense Identification Zone (KADIZ).
Mabilis naman silang nakalabas at walang naitalang breach of territorial airspace.
Madalas kasing nagsasagawa ng military exercise ang Russia at China sa Korean Peninsula.
















