-- Advertisements --

Nagbigay ng donasyon na nagkakahalagang P4-milyon ang K-pop group na ENHYPEN para sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Sa social media account ng pitong grupo, na naging malapit sa kanilang puso ang Pinoy kaya labis silang nalungkot ng dumaan ang bagyong Tino at Uwan.

Ang pondo ay idadaan sa Hope Bridge Korea Disaster Relief Association kasama ang Philippine Disaster Resillience Foundation.

Nabuo ang grupo noong 2020 kung saan sa nagdaang limang taon ay nakapasok sa top 10 Billboard 200 chart ang limang album ng grupo.

Noong Marso ay isinagawa ng grupo ang kanilang konsiyerto sa Philippine Arena.