Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang pag-atake sa military sites sa loob ng Venezuela umaga ng Sabado, Enero 3, 2026 (local time).
Kinumpirma ng US officials ang inilunsad na strikes ng Amerika sa Venezuela.
Narinig din ang mga serye ng pagsabog sa may kabisera ng Venezuela na Caracas. Mayroon ding mga hindi kumpirmadong ulat na pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid sa siyudad.
Bunsod ng pag-atake, ilang mga nakapalibot na komunidad ang walang suplay ng kuryente.
Sa isang official statement naman mula sa gobyerno ng Venezuela, mariin nitong kinondena at tinututulan ang military aggression ng US military.
Sa ngayon, wala pang detalye o kumpirmadong ulat kung may mga nasaktan sa mga insidente ng pagsabog sa kabisera ng Venezuela.
Ang paglulunsad ng strike ng US sa Venezuela ay sa gitna ng umiigiting pang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa drug trafficking.















