-- Advertisements --

Kasunod ng paglagda ng parehong mga lider ng Senado at Kamara de Representantes sa bicameral conference committee report sa P6.793 trilyong pondo para sa susunod na taon, inihayag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na ang pagbabantay sa implementasyon ng pondo ang sunod na hamon ngayon sa publiko.

Sa isang statement, sinabi ni Sen. Lacson na dapat mapanatili ang parehong pagiging mapagmatiyag na ipinakita ng publiko sa pangunguna ng Simbahang Katolika, ibang religious groups at civil society organizations sa pagbabantay sa implementasyon ng pondo para sa susunod na taon.

Aniya, dapat na huwag magpakampante dahil ang 2026 budget aniya ang magpapakita kung mayroon ngang reporma sa gobyerno at sa ating bansa.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ng Senador na dapat tayong matuto mula sa mga aral mula sa korapsiyon sa pondo noong 2025 at sa mga nakalipas na taon.

Ngayong Lunes, Disyembre 29 nakatakdang ratipikahan ang bicam report sa 2026 budget, at ang kopiya ng pinal na bersyon nito ay ipapadala sa Malacañang para sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.