-- Advertisements --

Nagpaabot ng kaniyang pagtanggap si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner, Vice Chairperson and Executive Officer (VCEO) Atty. Rafael Vicente Calinisan sa naging appointment ni dating Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III bilang bagong General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa isang pahayag, sinabi ni Calinisan na ang development na ito ay magiging daan para maibigay na kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang full operational accountability bilang hepe at four-star general ng Pambansang Pulisya.

Paliwanag pa ni Calinisan, ito ay naglalaan din ng malinaw na pahiwatig sa buong hanay ng Pambansang Pulisya para sa kung ano ang mga sakop na responsibilidad ni Nartatez bilang officer-in-charge.

Dagdag pa dito, personal na rin umanong inaasahan at inaabangan ni Calinisan ang pormal na pagbibigay ng four-star kay Nartatez matapos ang magandang development na ito.

Samantala, sa huli ay binigyang pugay ni Calinisan ang acting chief dahil sa maganda aniyang performance nito sa mga nakalipas na buwan at walang sawang commitment sa pagtupad ng kaniyang mandato bilang lider ng organisasyon.