Tiniyak ni Rep. Mikaela Suansing na maipapadala sa mga mambabatas ang bicameral conference committee (bicam) report sa 2026 national budget sa Disyembre 28, isang araw bago ang ratification sa Disyembre 29.
Ginawa ang pahayag matapos tanungin ni Rep. Antonio Tinio kung makakakuha ng final copy ng General Appropriations Bill (GAB) para masusing pagsusuri, at maiwasan ang pangyayaring “rubber stamp approval” noong nakaraang taon.
Sinabi ni Suansing na ipapadala ang kopya sa parehong araw na pirmado ng bicam committee, Disyembre 28. Tinanggap ni Tinio ang hakbang bilang paraan para masigurong maayos ang pagsusuri ng mga miyembro.
Inilagay sa Disyembre 29 ang ratification matapos aprubahan ng House ang motion ni Marcos na baguhin ang calendar ng 20th Congress. Kasama sa reporma ang Budget Amendments Review Sub-committee (BARSc) at livestreaming ng bicameral conference.
Ang hakbang para sa mas transparent na budget ay sumunod sa mga kontrobersiya sa nakaraang bicam report, kabilang ang blanks sa pondo para sa ilang ahensya. Hinimok din ni President Marcos Jr. ang Kongreso na ayusin ang proseso at nagbabala na hindi pipirmahan ang budget na hindi nakahanay sa administrasyon. (report by Bombo Jai)
















