-- Advertisements --

Tuluyan nang napatalsik bilang Senate President ng 20th Congress si Senador Francis “Chiz” Escudero.

Pinalitan ni Senador Vicente “Tito” Sotto III si Escudero sa puwesto.

Sa plenaryo ng Senado, nagmosyon si Senador Juan Miguel Zubiri na i-nominate bilang bagong Senate President si Sotto na sinegundahan naman ni Senadora Loren Legarda.

Wala namang senador ang tumutol sa nominasyon ni Sotto bilang lider ng Senado.

Kasama ang kanyang pamilya, agad ding nanumpa si Sotto bilang bagong pangulo ng Mataas na Kapulungan.

Samantala, nahalal naman si Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang bagong Senate President Pro Tempore ng 20th Congress.

Pinalitan ni Lacson si Senador Jinggoy Estrada.

Magsisilbi naman si Senador Juan Miguel Zubiri bilang bagong Majority Floor Leader ng 20th Congress.

Pinalitan ni Zubiri si Senador Joel Villanueva.

Kung matatandaan, naging Senate President na rin si Sotto III noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nang tanungin ito ukol sa dahilan ng agarang pagbabago sa liderato ng Senado, sinabi ni Sotto na maraming suliranin ang kinakaharap ng kasalukuyang pamunuan, ngunit hindi ito may kaugnayan sa flood control projects.