Nanawagan si Representativ Jude Acidre na agad na isabatas ang panukalang magtataas sa sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Ito’y kasunod sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor day.
Aniya ngayong araw binibigyang pugay ang mga haligi ng ng ating ekonomiya ang mga manggagawa kaya nararapat lamang na itaas ang kanilang sahod.
Sinabi ni Acidre ang pagkilala umano sa mahalagang papel ng mga manggagawa ay maipapakita sa pamamagitan ng pagpasa ng mga polisiya para sa makatwirang sahod, ligtas na lugar paggawa, at mas maayos na pamumuhay para sa kanilang pamilya.
Binigyang-diin ni Acidre na ang tunay na sukatan ng kaunlaran ay hindi ang mga estatistika ng ekonomiya kundi ang aktwal na kalagayan ng mga manggagawa.
Sabi pa niya hindi nasusukat ang paglago ng ekonomiya sa macroeconomic figures bagkus ay sa aktwal na kalaayan ng mga manggagawa ng bansa.
Ang panukalang batas para sa umento sa sahod, na napagtibay na sa ikalawang pagbasa bago mag-adjourn ang Kongreso, ay nananatiling pangunahing adbokasiya ng TINGOG.
Nangako si Acidre na itutulak ang ganap na pagpapatibay nito sa pagbabalik ng sesyon.
Kapwa naman niya hinimok ang pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan na higit sa salita ay tuparin ang mga makabuluhang reporma para sa manggagawang Pilipino.