-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Justice na tiwala pa rin ang kagawaran kay National Bureau of Investigation Director Jaime B. Santiago sa kabila ng pagbibitiw mula sa puwesto.

Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Mico Clavano, pinagkakatiwalaan ni Secretary Jesus Crispin Remulla ang naturang director at kumpyansa pa ito sa kanyang nagging pamamalakad sa kawanihan.

Kaya’t kanyang binigyang pagkikilala ang mga naiambag nito lalo na sa pagsunod na maisakatuparan ang mga utos ng presidente at maging ng kalihim ng Department of Justice.

Maaalalang nagsumite ng kanyang ‘irrevocable resignation’ si National Bureau of Investigation Director Jaime B. Santiago kamakailan upang magbitiw mula sa pwesto.

Buhat nito’y ibinahagi pa ni Assistant Secretary Mico Clavano na maituturing bilang a ‘man of principle’ ang nagbitiw na opisyal ng kawanihan.

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, si National Bureau of Investigation Director Jaime B. Santiago ay siyang matagal na niyang kaibigan.

Aniya’y ano pa man ang mangyari o sa kabila ng mga kanyang pagbibitiw, nasa posisyon o wala ay mananatili at ituturing pa rin niya ito bilang isang kaibigan.

Habang kanyang sinabi na kawalan sa kagawaran si Retired Judge Jaime Santiago ng National Bureau of Investigation ngunit kanyang inamin na hindi talaga maiiwasan ang ganitong pangyayari.

Samantala, pinabulaanan naman ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na mayroong koneksyon sa pulitika ang pagbibitiw ng naturang opisyal.

Panawagan niya na huwag itong isisi sa pulitika at hinimok na sumentro na lamang sa hindi pagsasayang ng oras upang ipagpatuloy pa rin ang serbisyo.