-- Advertisements --

Inihayag ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang kanyang pagtitiwala sa liderato ng pamumuno ng kasalukuyang presidente ng bansa na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kung saan ibinahagi nitong tiwala at kumpyansa siya sa ginawang panibagong hakbang ng pinakamataas na lider ng bansa na siyang ikinagulat ng karamihan.

Nagbaba kasi ng kahilingan si Pangulong Marcos na ‘courtesy resignation’ sa lahat ng kanyang mga miyembro ng gabinete ngayong araw.

Agaran naman itong tinugunan ng karamihan sa mga kasalukuyang kalihim ng iba’t ibang kagawaran sa bansa matapos matanggap ang panawagan ng pangulo.

Ngunit iginiit naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang hakbang ito ng presidente ay siyang ‘normal’ lamang.

Paliwanag kasi niya na ito’y bunsod ng nasa kalagitnaan o ‘halfway’ na ng kanyang termino si President Marcos Jr. at sinabi pang kanya-kanyang estilo ito ng pamumuno.

Kaya’t gayon na lamang ang kanyang pagtitiwala at hindi na ikinabahala pa ang paghahain ng hinihinging ‘courtesy resignation’.

Samantala, ng matanong pa ang naturang kalihim ng DOJ hinggil sa kung handa ba itong tumanggap ng ibang ‘role’ o tungkulin sa gobyerno, ang kanyang naging sagot ay oo.

Kung saan ibinahagi ni Justice Secretary Remulla na siya’y nagsisilbi para sa pangulo kasabay ng pagtitiyak na ito’y nakahanda maging sa bagong tungkulin kung bibigyan man.