-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Justice na tatayo bilang testigo sa International Criminal Court si Royina Marzan Garma, dating general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office laban kay former President Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ito mismo ang ibinahagi sa kanya ni dating Senador Antonio Trillanes IV kasunod ng ilang buwang pakikipag-ugnayan sa kagawaran.

Ito aniya raw ang hinihingi ng International Criminal Court direkta sa dating senador kung saa’y nais makuha ang testimonya nito hinggil sa kaso.

Si Royina Marzan Garma, bukod sa pagiging dating general manager, siya rin ay isang retiradong opisyal ng pulisya na nasasangkot sa kontrobersyal na ‘extra judicial killings’ noong panahon ng administrasyon Duterte.

Habang ang dating presidente nama’y ay kasalukuyang na detene sa bansang The Hague Netherlands kung saa’y kinakaharap ang ‘crimes against humanity’ sa International Tribunal.

Kasabay nito’y nagpaliwanag naman si Justice Secretary Remulla kung bakit kinakailangan ang makipagtulungan o ugnayan sa dating senador.

Dahil aniya raw ito sa walang opisyal na koneksyon ang kagawaran o pamahalaan sa International Tribunal kung kaya’t tagapamagitan si former Senator Trillanes.

Dagdag pa rito’y, ibinahagi din ng kalihim na ang nagging pag-alis muli mula Pilipinas ni Garma ay may kaugnayan sa kanyang pagtestigo laban kay Duterte.

Makikipagkita aniya ito sa mga awtoridad ng International Criminal Court sa kanyang pagpunta ng Malaysia.

Ngunit nananatili pa rin itong nakasailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order na inisyu noon pang nakaraang taon.