-- Advertisements --

DAVAO CITY – Bumuo na ang Regional Peace and Order Council (RPOC) at Regional Development Council ng Davao Region Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Task Force.

Ito ay upang ipatupad ang regionwide unified effort sa buong Local Government Unit (LGUs) bilang hakbang para mapigilan ang mas pagkalat pa ng COVID-19.

Si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang itinalaga bilang chairperson sa mga miyembro ng RPOC.

Kabilang sa ipapatupad ng Davao Region COVID-19 Task Force ang pagsuspinde sa land, sea, domestic at international air travel papunta sa Davao sa loob ng 14 days.

Maaari naman itong bumaba sa pitong araw depende sa isasagawang review sa Infectious Disease Specialist Consultant.

Samantala, ipapasara na ang lahat ng entry points sa Region 11 simula bukas, Marso 19.

Nangangahulgan ito na puwedeng lumabas sa Region 11 ngunit hindi na ito makakabalik sa Davao simula bukas at sa susunod na dalawang linggo.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng Davao region ang pagpapatupad ng mga polisiya matapos maitala ang unang COVID case sa rehiyon at sa mga katabing lalawigan sa Mindanao.