Iminungkahi ng mga cardinal sa Vatican ang simpleng pagkain habang abala ang ang mga ito sa paghahanda para sa conclave upang pumili ng bagong Santo Papa.
Ayon sa mga lokal na restaurateur sa paligid ng Vatican, paborito ng mga cardinal ang mga simpleng lutong Romano tulad ng pasta carbonara, saltimbocca (veal cutlets na binalot sa ham), burrata, at tradisyunal na pagkaing may amatriciana o gricia sauce.
Sa isang restaurant sinabi ng may-ari na matagal na umanong parokyano ang mga cardinal, at naging malapit na sila dito. Habang ang iba naman ay mas pinipili ng mga obispo at cardinal ang pribadong kainan sa likuran ng restaurant upang makaiwas sa media.
Bagamat may ilang restaurateur na nagsabing humina ang kita mula nang pumanaw ang Santo Papa noong Abril 21, patuloy pa rin ang pagdalaw ng ilang cardinal sa mga paborito nilang kainan.
Maging ang mga ice cream shop ay di rin ligtas sa panlasa ng mga klerigo — paborito nila ang “vaticono”, isang crepe na ginawang cone na puno ng gelato, at ang “dulce de leche” na inialay kay Papa Francisco.
Sa kabila ng mahigpit na paghahanda sa mahalagang araw ng paghalal sa lider ng Simbahang Katolika nananatiling simple ang pagkain ng mga tinaguriang ”Prinsipe ng Simbahan”.