-- Advertisements --

Nagtapos sa ika-54 na pwesto si Filipino Olympian at alpine skier Francis Ceccarelli sa men’s giant slalom event sa 2026 Winter Olympics.

Sa kanyang unang run, nagtala si Ceccarelli ng oras na 1:27.36 upang ma-ranggo sa ika-57, at sumunod naman ang 1:20.87 sa pangalawang run, na naglagay sa kanya sa ika-53 sa run na iyon. Sa kabuuan, ang kanyang combined time ay 2:48.23.

Naiuwi naman ni Brazil’s Lucas Pinheiro Braathen ang ginto na nagtala ng total time na 2:25.00. Sumunod si Switzerland’s Marco Odermatt sa 2:25.88, habang kapwa Swiss na si Loïc Meillard ang kumuha ng bronze sa 2:26.17.

Susunod na lalaban si Ceccarelli sa slalom event sa darating na Lunes.

Samantala, ang kapwa Filipino skier na si Tallulah Proulx ay nakatakdang lumahok sa women’s giant slalom sa Linggo at sa slalom event sa Miyerkules.

Ang paglahok nina Ceccarelli at Proulx ay bahagi ng patuloy na pagsabak ng Pilipinas sa mga Winter Olympic competitions, na nagbibigay-daan para sa mga kabataang atleta na maging inspirasyon sa bansa.