Inaasahan na umano ng House Commitee on Justice ang paghahain ng petisyon para ipatigil ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos maghain ng temporary restraing order (TRO) si Atty. Israelito Torreon, sa Korte Suprema kahapon, Marso 27 para itigil ng komite ang impeachment proceedings.
Sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Marso 28, inihayag ni House Committee on Justice Vice Chairperson Representative Ysabel Zamora na matagal nang pinaghandaan ito bago pa man ang unang impeachment hearing.
Giit ng mambabatas na mahigit 100 pahina ang naturang petisyon, kayat paano aniya ito mabubuo sa loob lamang ng ilang araw.
Dumipensa rin ang mambabatas sa pagkwestyon sa rules ng Kamara de Representantes at Justice Committee.
Saad ni Rep. Zamora na sinusunod lamang nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon at salig sa itinatakda sa naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Pangalawang Pangulo.
Naniniwala rin si Zamora, na isa ring abogado, na hindi magkakaroon ng constitutional crisis dahil umaasa siyang magpapasya “nang wasto “judiciously” ang Korte Suprema.















