-- Advertisements --

Muling naaresto ang dating world number one na si Tiger Woods dahil sa DUI o driving under the influence.

Naaresto ang professional golfer matapos niyang i-overtake ang isang work truck sa isang highway sa Florida. Sa proseso, nasagi niya ang likurang bahagi ng naturang truck na tuluyang tumagilid sa gitna ng kalsada.

Kinumpirma ng Martin County Sheriff’s Office na nag-overspeeding si Woods nang mangyari ang aksidente.

Agad ding nakalabas si Woods mula sa kaniyang sasakyan bago dumating ang mga law enforcement officers. Nang isailalim siya sa breathalyzer test, nagnegatibo siya sa impluwensiya ng alak. Gayunman, naniniwala ang mga imbestigador na siya ay nasa impluwensiya ng droga o ng kaniyang iniinom na gamot.

Tumanggi rin si Woods na sumailalim sa urine test, na nagresulta sa isa pang hiwalay na kaso sa Florida.

Ngayong buwan, dalawang beses nang naaresto si Woods dahil sa DUI, bukod pa sa mga nauna niyang kaso sa mga nakalipas na taon.

Hindi naman nagtamo ng malubhang pinsala ang golf legend na may career record na 15 major championships.