-- Advertisements --

Naghain ng not-guilty plea si golf legend Tiger Woods sa kasong driving under influence (DUI).

Kasama niya ang abogado nitong si Douglas Duncan ay inihain nila ang nasabing plea at ito ay pansamantalang nakalaya.

Nahaharap sa kaso ang 50-anyos na si Woods matapos na ito ay masangkot sa aksidente sa Florida.

May iniwasan itong truck na sanhi ng pagbaligtad ng kaniyang sasakyan kung saan hinihinala ng mga otoridad na ito ay nakainom habang nagmamaneho.

Tumanggi pa si Woods na sumailalim sa anumang pagsusuri kaya siya ay pansamantalang ikinulong.

Nakuhanan ito sa kaniyang bulsa ng hydrocodone pills na isang gamot para sa sakit ng katawan.