-- Advertisements --

Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng nasa P16.5 bilyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para hindi maantala ng mga infrastructure projects.

Ayon sa DBM na inilabas ang halaga sa pamamagitan ng Notice of Cash Allocation (NCA).

Kasama dito ang pagbabayad ng DPWH sa mga due at demandable accounts payable.

Binigyang linaw ni DBM Secretary Rolando Toledo na mahalaga na hindi mabitin ang konstruksyon ng mga pangunahing proyeko.

Mayroong epekto ito na makakatulong sa pagbibigay ng trabaho sa bansa.

Ang nasabing halaga ay maaaring maidownload ng DPWH sa iba’t-ibang implementing units sa buong 17 rehiyon ng bansa.