-- Advertisements --

Nagdesisyon ang provincial government ng Davao del Norte na bumili ng sariling suplay ng langis mula sa Malaysia, sa gitna ng lumalalang krisis dahil sa produktong petrolyo.

Sa isang panayam, sinabi ni Davao Del Norte Governor Edwin Jubahib na nakatakdang umangkat ang naturang probinsiya ng hanggang 44 milyong litro ng krudo at gasolina mula sa naturang bansa.

Nauna na rin itong naipaabot sa pamahalaan ng naturang bansa at positibo aniya ang naging tugon nila sa kahilingan ng probinsiya.

Ayon sa gobernador, dahil sa mataas ang oil reserve ng Malaysia, lalo na sa crude oil at gasolina, agad umanong pumayag ang naturang bansa sa kanilang request.

Magiging one-time shipment naman ang gagawin sa aangkating langis na target makumpleto sa lalong madaling panahon.

Pagtitiyak ni Gov. Jubahib, may kakayahan at kapasidad ang probinsiya na bumili ng malaking bulto o malaking order ng langis.