-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ngayong araw ang Davao del Norte ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology .

Batay sa datos, nangyari ang pagyanig bandang alas 11:41 ng umaga ngayong araw.

Natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 4 kilometers southeast bayan ng Santo Tomas.

Naramdaman naman ang Intensity III sa San Fernando, Bukidnon; Magpet at Kidapawan City, Cotabato; at Gingoog, Misamis Oriental.

Habang Intensity I ang naitala sa Kalilangan, Libona, at Malitbog sa lalawigan ng Bukidnon; Magsaysay at Davao City sa Davao del Sur; at Balingasag at Initao sa Misamis Oriental.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology , tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Wala namang naitalang malaking pinsala ang lindol ngunit asahan na ang aftershocks.