-- Advertisements --

Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalagay ng swimming pool ng Philippine Red Cross (PRC) malapit sa Tent City, o iyong tinutuluyan ng mga biktima ng lindol sa Cebu. 

Sa muling pagbisita ng pangulo sa Cebu, kaniyang inihayag na maaaring simpleng bagay lamang ang ginawa ng PRC, ngunit malaking bagay ito para sa mga bata. 

Ayon sa Presidente, nayanig rin kasi ang isip ng mga bata, dahil sa lindol, sinabayan pa ng pagkasira at pagkawala ng tahanan ng mga ito. At ang paglipat nila sa tent city. 

Sabi ng pangulo, ngayon, dahil sa swimming pool, nakikita na ulit ang ngiti sa labi ng mga bata. 

Kaya’t malaking tulong sa mental health ng mga ito ang inisyatibo ng PRC.