-- Advertisements --

Naantala nang mahigit isang oras ang mga tren sa Italy nitong Sabado (araw sa Italy) dahil sa pinaghihinalaang sabotage, matapos masunog ang mga kable ng tren kasabay ng pagdaraos ng Winter Olympics sa Milan at Cortina d’Ampezzo mula noong Pebrero 6.

Apektado ang mga serbisyo sa pagitan ng Naples at Rome, gayundin ang linya patungong hilaga sa Florence.

Kinondena naman ni Transport Minister Matteo Salvini ang insidente at nanawagan ng pananagutan para sa mga responsable tulad ng kaparehong problema na naranasan ng ahensya noong nakaraang Linggo.

“These are hateful criminal acts aimed at workers and at Italy, ani Salvani.

“I hope that no one plays down or tries to justify these crimes which put lives at risk,” dagdag ng opisyal.

Iniimbestigahan na sa ngayon ng mga awtoridad ang umano’y nasunog na mga kable sa isang seksyon ng high-speed line sa pagitan ng Rome at Naples, pati na rin ang dalawang posibleng kaso ng vandalism sa Kabisera at sa Florence.

Noong nakaraang Sabado, unang araw ng Winter Olympics, inako ng isang anarchist group ang responsibilidad ang pag-atake sa network malapit sa Bologna.

Kung saan nawasak ang imprastraktura ng riles na nagdulot ng higit sa 2-oras ang pagkaantala sa high-speed, Intercity, at regional train services.

Patuloy ang pagsisiyasat upang matukoy ang mga suspek at maiwasan ang karagdagang pagkaantala sa transportasyon habang nagpapatuloy ang mga palaro.