Nagtipon ang grupo ng mga kababaihan sa St. Peter’s Basilica, at nag palabas ng pink na usok kung saan nagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa patuloy na pagkakait sa kanilang karapatang maging bahagi ng Simbahan.
Ayon kay Miriam Duignan ng Wijngaards Institute, tagapagsalita ng protesta ipinahayag nito sa mga cardinals na hindi umano nila maaaring isantabi ang kalahati ng populasyon ng mga mananampalataya upang magdesisyon sa kinabukasan ng Simbahang Katolika.
Nanawagan din ang mga ito ng pagbabago sa kabila ng panganib ng pagkakadakip ni Duignan noong 2011 matapos nitong mag pumilit na pumasok sa Vatican para personal na ihatid ang kanilang petisyon.
Ayon pa sa mga ito, ang mga kababaihan umano ay may mahalagang papel noon sa Simbahan bago pa mareporma ang medieval na siyang nagpalakas ng kapangyarihan ng mga lalaki sa pamumuno sa Simbahan. Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapayagang maordinahan ang mga kababaihan, kahit na marami sa kanila ay may mataas na antas ng tinapos sa pastotal at pag-aaral.
Bagama’t may ilang hakbang na ginawa noon si Pope Francis sa pagbibigay ng mas mataas na papel sa mga kababaihan sa Simbahan, tulad ng pag-imbita sa kanila sa Synod at pagsusuri sa posibilidad ng pagiging diakonesa—nananatiling sarado pa rin ang pintuan sa kanilang ordinasyon bilang mga pari.
Para sa mga aktibista, ito ay hindi lamang isyu ng representasyon, kundi ng hustisya at moralidad.
‘While the world may wait for white smoke or black smoke, we send up pink smoke as our hope that the Church may someday welcome women as equals,’ pahayag ni Kate McElwee, executive director ng Women’s Ordination Conference campaign group.