-- Advertisements --

Bumagsak ang isang military helicopter sa Loreto, Agusan del Sur nitong Martes, Nobyembre 4, ayon ‘yan sa kumpirmasyon ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).

Ayon sa EastMinCom, ang Super Huey aircraft ay patungo sana sa mga lugar na naapektuhan ng typhoon Tino upang magsagawa ng disaster response operations nang ito ay bumagsak.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue at recovery operations sa lugar, katuwang ang mga emergency response teams.

Ayon naman sa mga residente, may nakita umanong mga nasunog na katawan sa pinangyarihan ng aksidente, ngunit wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa militar hinggil dito.

Patuloy naman na nangangalap ng karagdagang impormasyon ang mga awtoridad tungkol sa insidente.