-- Advertisements --

Hinikayat ng US queen of pop Madonna si Pope Leo XIV na bumisita sa Gaza.

Sa kaniyang social media account na tanging ang Santo Papa lamang ang hindi kayang pigilan na makapasok sa Gaza.

Mahalaga na mabigyan ni Pope Leo ng liwanag ang mga bata bago pa mahuli ang lahat.

Ang kaniyang pahayag ay kasunod ng ikinababahala ng mga bansang United Kingdom, European Union, Australia, Canada at Japan dahil sa labis na kagutuman sa Gaza na nagreresulta sa pagkamatay ng mga bata.

Dagdag pa ni Madonna na bilang isang ina ay hindi niya masikmura na makita na maraming mga bata ang namamatay dahil sa kagutuman.

Magugunitang makailang ulit na ring nananawagan ang Santo Papa na dapat ay magkaroon ng permanenteng ceasefire sa Gaza.