Pinalawak pa ng pamahalaan ang programang “Benteng Bigas, Meron Na!” upang makinabang ang mas maraming sektor sa lalawigan, kabilang ang mga senior citizen, solo parent, PWD, mahihirap na pamilya, mangingisda, at mga driver ng jeepney at tricycle. Dati, para lamang ito sa mga magsasaka.
Layunin ng programang ito na magbenta ng dekalidad na bigas sa halagang ₱20 kada kilo sa mga karapat-dapat na benepisyaryo.
Sa kasalukuyan, ang mga nabanggit na sektor ay maaaring bumili ng hanggang 30 kilo bawat buwan (10 kilo bawat transaksyon). Samantala, ang mga magsasaka ay maaaring bumili ng hanggang 50 kilo bawat buwan hanggang Disyembre 2025.
Kailangan ipakita ng bawat benepisyaryo ang kanilang valid ID bilang patunay na kabilang sila sa mga sektor na nabanggit.
Ang pagbebenta ng bigas sa halagang ₱20 ay ginagawa sa NFA Satellite Office sa San Isidro Village, Virac, mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.
Ang National Food Authority (NFA), kasama ang Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Incorporated (FTI), ay patuloy na nagpapatupad ng programang ito upang masigurong may access sa murang bigas at sapat na pagkain ang mga pangunahing sektor ng Catanduanes.
















