-- Advertisements --

Maagang natapos ang kampanya ni Alex Eala sa Qatar Open.

Ito ay matapos na mabigo siya kay Tereza Valentova ng Czech Republic sa score na 7-6(6), 6-1.

Sa unang set ay naging dikitan ang laban subalit nanaig pa rin ang Czech player.

Pagpasok ng ikalawang round ay nadomina ng mas batang si Valentova ang laro.

Magugunitang galing sa Abu Dhabi Open si Eala kung saan umabot pa ito ng quarterfinals.