-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng Simbahang Katolika ang mga indibdiwal na pumasok ng bokasyong pagka-relihiyoso lalu na ang mga tinawag at tumanggap ng hamon na maging mga pari na palaging ihanda ang mga sarili sa pagharap ng mga hamon ng panahon.

Ito’y kaugnay sa patuloy na isinusulong na sinodalidad o synodality ni late Pope Francis ng Vaticano upang mapalakas ang pagsilbing ‘universal church’ ng paniniwalang Katolika na tumalima hindi lang sa sariling mga parokyano nito bagkus ay maging sa ibang religious groups para mapalapit pa sa Panginoon.

Sa pagharap ni His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle,Vatican-based president ng Roman Catholic Biblical Federation sa mga seminarista o mga mag-aaral ng bokasyong pagkapari na dapat naintindihan nila ang tinatahak ng simbahan na sinodalidad.

Ibig sabihin na alam ng mga pari at nag-aaral pa ng bokasyon ang prinsipyo ng pagkakaisa (communion);pakikibahagi(participation) at pagmimisyon (mission) para hindi malamon ng mga pagsubok maging mga hamon na ikakasira ng simbahan.

Ito ang dahilan na dapat sa maagang estado pa lang ng mga pag-aaral ng mga seminarista ay matukoy na ng seminary formators kung alin sa kanilang mga estudyante ang nakitaan sa nasabing mga abilidad.

Magugunitang bago bumalik ng Vatican si Cardinal Tagle ay mayroong itong ilang mga dinaluhan na commitments sa pagbisita nito sa Pilipinas at isa rito ang pagharap sa mga seminarista na nakabase sa bahagi ng Mindanao.