Iniulat ng Vatican na tinapos na ni Pope Leo XIV ang “Commission on Donations for the Holy See,” isang kataas-taasang lupon na itinatag ni Pope Francis upang ilatag ang donasyon at tugunan ang kakulangan sa pondo ng Simbahang Katolika.
Una itong itinatag noong Pebrero ng kasalukuyang taon habang nagpapagaling si Pope Francis sa karamdaman, na may layuning mangalap ng kontribusyon mula sa mga Katoliko, bishops at mga conferences.
Walang ibinigay na dahilan si Pope Leo sa kanyang utos, ngunit iniutos niyang ilipat sa general accounting office ng Vatican ang mga nalikom na pondo at magtatag ng bagong work group para isaalang-alang ang isang susunod na fundraising commission.
Maalalang humaharap ang Vatican sa budget surplus matapos ang kakulangan ng bansa sa pag-popondo kung saan tinutulan pa noon ng mga Cardinal ang pag-bawas ng kanilang suweldo ng tatlong beses, bago pumanaw ang noo’y Santo Papa na si Jorge Mario Bergoglio.
















