-- Advertisements --

Hinimok ng Simbahang Katolika ang mga mananampalataya na makiisa sa isasagawang Red Wednesday sa Nobiyembre-26.

Ang Red Wednesday ay paggunita sa mga ‘martyrs of the faith’ o mga martyr na nagbuwis ng kanilang buhay habang naninindigan sa pagpapalaganap ng pananampalatayang Katolika.

Apela ni Aid to the Church in Need -Philippines National Director Max Ventura, ito ay bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa at sakripisyo upang maihatid at maipakilala ang mga aral ng Diyos.

Sa naturang araw ay papailawan ng pulang ilaw ang mga simbahan sa buong bansa, kung saan magsisilbing sentro ng pagdiriwang ang Roman Catholic Archdiocese of San Fernando, Pampanga.

Maalalang pitong bagong martyr ang hinirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong taon.

Ayon kay Ventura, makikiisa ang lahat ng mga simbahan sa naturang okasyon.