Kumpleto na ang lahat ng 24 na senador sa kanilang pagsasapubliko ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), matapos ilabas ng natitirang miyembro ng minorya — sina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, at Sen. Imee Marcos — ang kani-kanilang mga dokumento.
Batay sa kanilang mga isinumiteng SALN, si Cayetano ay nagdeklara ng ₱110.66 milyon na kabuuang ari-arian, may utang na ₱1.5 milyon, at may net worth na ₱109.131 milyon.
Samantala, si Dela Rosa ay may kabuuang assets na ₱61.31 milyon, liabilities na ₱29.021 milyon, at net worth na ₱32.293 milyon.
Si Marcos naman ay mayroong ₱164.995 milyon na total assets at net worth, at walang iniulat na anumang utang.
Sa kabuuan, nananatiling pinakamayamang senador si Mark Villar, na may higit ₱1.2 bilyon na net worth.
Sa kabilang banda. pinakamababa pa rin ang yaman ni dating Senate President Chiz Escudero na may ₱18.84 milyon.
kabuuang talaan ng net worth ng 24 na mga senador
(Pinakamataas hanggang pinakamababa):
- Mark Villar – ₱1.261 bilyon
- Raffy Tulfo – ₱1.052 bilyon
- Erwin Tulfo – ₱497.003 milyon
- Migz Zubiri – ₱431.78 milyon
- Camille Villar – ₱362.07 milyon
- Ping Lacson – ₱244.94 milyon
- Robin Padilla – ₱244.04 milyon
- Jinggoy Estrada – ₱221.22 milyon
- Lito Lapid – ₱202.04 milyon
- Tito Sotto – ₱188.87 milyon
- Imee Marcos – ₱164.995 milyon
- JV Ejercito – ₱137.08 milyon
- Pia Cayetano – ₱128.29 milyon
- Alan Peter Cayetano – ₱109.131 milyon
- Win Gatchalian – ₱89.52 milyon
- Bam Aquino – ₱86.55 milyon
- Loren Legarda – ₱79.21 milyon
- Rodante Marcoleta – ₱51.96 milyon
- Joel Villanueva – ₱49.50 milyon
- Christopher “Bong” Go – ₱32.431 milyon
- Ronald “Bato” dela Rosa – ₱32.293 milyon
- Kiko Pangilinan – ₱26.73 milyon
- Risa Hontiveros – ₱18.99 milyon
- Chiz Escudero – ₱18.84 milyon
















