Walang nakikitang mali ang Palasyo sa pag hire ng private appraisers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN).
Iginiit ni Palace Press Officer USec. Claire Castro na layon na pag hire ng appraisers ay para mas malinaw para sa taumbayan kung isasapubliko ang updated value ng kaniyang mga ari-arian na-acquire, bilang bahagi ng pagpapalakas ng transparency.
Ayon kay Castro, mahalagang malaman ng taumbayan kung magkano na ang kasalukuyang halaga ng mga naturang properties upang maiwasan ang spekulasyon at mabigyan ng mas malinaw na impormasyon ang publiko.
Dagdag pa ng Palace Official na darating ang panahon na kakailanganing malaman ang tunay at kasalukuyang halaga ng mga ari-arian, kaya makabubuting nakasaad at naideklara na ito nang maaga.
Batay sa 2024 SALN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaniyang idiniklara ang kaniyang net worth na nasa P389 million at batay sa Cuervo appraisers , pumalo na ito ngayon sa P1.375 billion.
Ang P389.357 million networth na idiniklara ng Pangulo ay naka base sa rules ng Civil Service Commission sa paghain ng SALNs habang ang P1.375 billion ay naka base sa value na na-appraised ng Cuervo.
















