-- Advertisements --

Hiniling ng Akbayan party-list sa Office of the Ombudsman ang paglabas ng Statement of Asset and Liabilities and Net Worth (SALN) nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr , Vice President Sara Duterte, dating Ombudsman Samuel Martires at ilang constitutional commission officials.

Ayon kay Akbayan President Rafaela David na ito ay isang pagpapakita ng gobyerno na seryoso sila sa pagpapakita ng transparency at accountability.

Dagdag pa nito na mula ng maupo si Martires ay itinago nito ang SALN ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Maghahain sila ng pormal na kaso kapag naipasakamay na ng Ombudsman ang kanilang hinihingi.

Hinikayat nito ang publiko na gampanan ang kanilang karapatan na humiling ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

Magugunitang na labas ng memorandum si Ombudsman Jesus Crispin Remulla para makita ng publiko ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno.