Mistulang aminado ang English TV personality na si Simon Cowell na may pagkakamali ito kaya naaksidente sa kanyang electric trail bike.

Ayon sa 60-year-old record executive/entrepreneur/entertainment manager/, bagong bili niya ang naturang trail bike pero hindi na binasa pa ang manual.

Hindi naman nito idinetalye kung paano naaksidente sa courtyard ng kanilang bahay sa Los Angeles pero napuruhan daw siya sa kanyang likod kung saan siya nabalian.

“Some good advice…
If you buy an electric trail bike, read the manual before you ride it for the first time.
I have broken part of my back.
Thank you to everyone for your kind messages,”
tweet ni Cowell.

“He’s doing fine, he’s under observation and is in the best possible hands. Simon has broken his back and is having surgery this evening,” saad naman ng kanyang spokeswoman.

Simon Cowell with Angelica Hale
Cowell with Hale
Simon Cowell with Marcelito Pomoy
Cowell with Pomoy

Ang nasabing music mogul ay kilala rin sa kanyang mga prangkang komento sa “America’s Got Talent” at sa iba pang international reality competition.

Madalas naman ay bilib si Simon sa mga nakakaharap na Pinoy contestants tulad na lamang ni Marcelito na may doble-kara style, at ang ngayo’y 11-anyos nang si Angelica Bolando Hale na survivor sa kidney transplant.

Mayroon siyang anim na taong gulang na anak sa kanyang girlfriend.

Taong 2017 nang mahulog naman ito sa hagdan ng kanilang bahay sa London. (BBC)