-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Vatican ang pagiging minor basilica ng Diocesan Shrine of St Paul of the Cross sa lungsod ng Marikina.

Ang nasabing elevation request ay inihain noon ni Bishop Ruperto Cruz Santos ng Antipolo dahil sa pagiging aktibo ng mga mananampalataya sa nasabing simbahan.

Kahit na ang petisyon ay inihain noong Disyembre 2024 sa pamumuno ng namayapang si Pope Francis ay lumabas naman ang decree limang araw matapos na maupo sa puwesto si Cardinal Robert Prevost o Pope Leo XIV.

Ang nasabing simbahan ngayon ay pangalawang minor basilica na sakop ng Diocese of Antipolo na ang una ay ang St. John the Baptist sa Taytay na naging basilica noong 2024.

Itinayo ang Diocesan Shrine of St Paul of the Cross noong 1975 na itinuturing bilang pinakalumang simbahan sa bansa na ito ay may buong dedikasyon kay St. Paul of the Cross.

Makikita sa nasabing simbahan ang imahe ni Nuestra Señora de Fatima de Marikina..