-- Advertisements --

Ginulat ng NLEX Road Warriors ang San Miguel Beermen 85-84 sa pagsisimula ng PBA 50th Season Philippine Cup.

Bumida sa panalo ng NLEX si Jonnel Policarpio na nagtala ng 16 points bilang pamalit kay Robert Bolick na hindi nakapaglaro dahil sa pagpanaw ng ama.

Nag-ambag din sa NLEX si Brandon Ramirez na mayroong ding 16 points habang mayroogn 12 points at 12 rebounds si JB Bahio.

Sinabi ni NLEX coach Jong Uichico na ginawa lamang nila ang lahat ng makakaya dahil sa hindi basta-basta kalaban ang Beermen.

Nasayang naman ang nagawang 18 points ni June Mar Fajardo para sa Beermen.