-- Advertisements --

Itinuturing ng Commission on Elections (Comelec) na makasaysayan ang isinagawang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng komisyon, mga poll watchdogs at iba pang civil society at non-government organizations.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia layon ng naturang hakbang ay mapabuti pa ang pagdaraos ng halalan sa bansa lalo na at obligasyon naman ito ng bawat isa hindi lamang ng komisyon.

Sa taong 2023 kasi ay magkakaroon ng Election Summit na pamumunuan ni Comelec Commissioner Nelson Celis.

Ang tatlong araw na summit ay posibleng gawin sa huling linggo ng buwan ng Enero at minimal lamang ang gagastusin ng Comelec.

Sinasabing ang isasagaawang Election Summit ay magiging bukas sa publiko para maging transparent daw ang proseso.

Samantala kasama naman sa mga lumagda sa MOA signing sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ay ang National Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), Legal Network for Truthful Elections (LENTE) at iba pang poll watchdogs at civil society organizations at mga NGOs.