Tiniyak ng Malakanyang na patuloy na ipaglalaban ng gobyerno ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea na sang-ayon sa paninindigan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay sa pamamagitan ng diplomasya, capability, building international partnerships at sa mapayapang pamamaraan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro naninindigan ang Marcos administration na nananatiling legally binding at nagsisilbing cornerstone ng international maritime law ang arbitral ruling na siya ring nagsilbing gabay sa national policy kabilang na ang Philippine Maritime Zones Act, at nagpapalakas sa legal at operational posture ng bansa.
Kasalukuyang ginugunita ng Pilipinas ang ika-9th anniversary ng Arbitral Award.
Ang nasabing award ay nagpapawalang bisa sa nine dash line claims ng China.
Patuloy din na hinihikayat ng Marcos administration ang publiko na suportahan ang gobyerno upang igiit ang 2016 South China Sea Arbitral Award bilang pundasyon ng national sovereignty.
Giit ni Castro na patuloy ang commitment ng Pilipinas sa rule of law at sa UN Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.
Batay sa survey, sinasabing nasa 73% ng mga Pinoy ang nais na ipagpatuloy ng pamahalaan ang sovereign rights ng Pilipinas sa West Philippine Sea.