-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Pasuquin, Ilocos Norte pasado alas-10:38 ng umaga ngayong Martes, Hulyo 15, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Batay sa pagtataya ng ahensya ang tremor ng lindol ay nasa 27 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. Ang epicenter nito ay nasa humigit-kumulang 29 km hilagang-kanluran ng Pasuquin.

Naramdaman din ang lindol sa mga kalapit na bayan at probinsya ng Solsona at San Nicolas (Ilocos Norte), Claveria (Cagayan), Sinait at Vigan City (Ilocos Sur).

Habang naitala rin ang intensity III sa Gonzaga, Cagayan; Intensity II: Bangued, Abra, Peñablanca, Cagayan Narvacan, at Ilocos Sur; Intensity I sa Candon, Ilocos Sur, Ilagan, at Isabela.

Nauna rito, naitala rin ang isang magnitude 4.6 na lindol sa Ilocos Sur ngayong araw.

Nagbabala rin ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng mga aftershock sa mga susunod na oras o araw.