-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa ng mas malalakas na pagbuhos ng ulan at baha sa malaking bahagi ng bansa, makaraang lumakas pa ang low pressure area (LPA) bilang ganap na bagyo kaninang madaling araw.

Tinawag ito ng weather bureau sa local name na “Agaton,” na kauna-unahang bagyo para sa taong 2022.

Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 120 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugso ng hangin na 55 kph.

Kumikilos ito nang napakabagal sa direksyong pakanluran hilagang kanluran.

Nakataas ngayon ang signal number one sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.

Samantala, ang isa pang bagyo na papalapit sa Pilipinas ay patuloy naman sa direksyong papasok sa Philippine area of responsibility (PAR).

May international name itong “Malakas” na isa sa mga pangalang kontribusyon ng Pilipinas.

Namataan ang bagyo sa layong 2,015 km sa silangan ng Mindanao.

May lakas ito ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Inaasahang sa Lunes ay nasa loob na ito ng Philippine territory.

Nakataas ngayon ang signal number one sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao at Bucas Grande Islands.