-- Advertisements --
Nagpahayag ng kahandaan si FIVB Executive Vice President and chief of Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Ramon “Tats” Suzara sa paghost ng bansa sa susunod na buwan ng Men’s World Championship 2025.
Ang nasabing torneo ay lalahukan ng 32 na mga bansa.
Sinabi nito na mahalaga na mas lalong maipromote ito sa mga volleyball fans lalo na sa mga probinsya.
Para mabilis aniya na maubos ang tickets ay plano nilang magbigay ng mga “packages” deal sa mga paaralan at local government units.
Magsisimula ang Men’s World Championship mula Setyembre 12 hanggang 28 sa Mall of Asia at Smart Araneta.