Patuloy ang gagawing pagtutok ng Bureau of Customs sa pagpapatupad ng 60-Day suspension para sa pag-aangkat ng bigas.
Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layong protektahan ang lokal na industriya at mga magsasaka sa bansa.
Dumadaing kasi ang mga magsasaka dahil hirap itong makipag kumpitensya sa mababang presyo ng palay mula sa imported.
Sa isang pahayag ay sinabi ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, palalakasin nito ang kanilang pagbabantay sa mga pantalan upang matiyak na walang makakapasok na iligal na inangkat na bigas.
Makikipag-ugnayan rin ito sa pamunuan ng Department of Agriculture para maging maayos ang pagpapatupad ng direktiba mula sa pangulo.
Binalaan rin ng BOC ang mga smuggler na magtatangkang magpuslit ng imported na bigas .